Articles, Blog

Crop Circles | Tagalog Crop Circle Explained | Bilog Na Hugis


Marami ka bang gustong malaman patungkol sa
mga di maipaliwanag na mga pangyayari sa ating mundo? Halika at hayaan mong tuklasin ang buong kwento
sa ating mga videos. Ang ating tampok sa videong ito ay ang mga
Crop Circles. Ano ba ang crop circles? Ang crop circles ay ang ibat-ibang hugis at
napaka-kandang desenyo na makikita sa mga Barley at Wheat farms sa England at sa ibat-ibang
panig ng mundo. Ang mga desinyo ng mga crop circles na ito
ay kadalasang pagkakadikit-dikit o dugtong-dugtong na mga bilog na hugis at pagkakaroon ng mga
komplikadong mga disenyo. Maaring isipin natin sa unang pagkakataon
na ito ay simpleng obra maestra lamang ng mga taong may talento sa larangang ito. Ngunit handa ka bang intindihin ang mga bagay-bagay
na aking sasabihin upang bigyan lamang ito ng simpleng rason kung bakit ito ginawa. Ito ang mga bagay-bagay na dapat mong malaman. Na ang mga crop circles ay madalas nangyayari
sa kalagitnaan ng gabi at magdamag? Na ang bawat tangkay ng wheat grass o Barley
grass ay natuyo at para bang niluto sa napaka-intense na init natuyo at para bang niluto sa napaka-intense
na init na tuloy-tuloy. Na ang mga crop circles ay kasin-laki ng football
fields o mas malawak pa? Na ang mga crop circles ay napaka-taas ng
radiation level? Na ang mga gadgets ay nagmamalfunction o di
kayay pumalpalya minsan kapag nasa aktual na area ka nito? Iisa- isahin natin ang mga ito sa bidyong
ating itatampok.. At mayroon pa sa huling parte ng video patungkol
sa Crop circles na sigurado akong ikamamangha ninyo kung wala pa kayong masyadong ideya
sa bagay na ito. 1 Marami sa Crop circles ay nabubuo sa kalagitnaan
ng gabi at magdamag. Ayon sa mga naging saksi na di umanoy mayroon
silang nakikitang di maipaliwanag na ilaw sa kailaliman ng gabi sa mga mismong lokasyon
kung saan lumilitaw ang mga crop formations sa kanilang lugar. Tinataya ng mga eksperto na nabuo lamang ang
mga crop circles sa loob ng labin-limang minuto sa kadahilanang, buhay pa ang mga ugat ng
mga wheat grasses. 2 Ang mga tangkay ng mga wheat grass kung
saan nabuo ang mga crop formations ay para bagang pinatuyo ng napakalakas na microwave
dahilan upang mawalan ng katas ang mga tangkay at pagputok ng mga nodes o mga buko nito. Kung ito’y ating pagmamasdan sa lupa, walang
gaanong magarang makikita kundi ang mga natumbang mga pananim na halatang hugis bilog ang formation. Subalit, kung titingnan ito sa himpapawid,
nagkakaroon ng napaka-komplikadong formations at nakakamanghang disenyo. Ang average na sukat ng mga crop formations
o crop circles ay nagsisimula sa lawak na 110 meters o katumbas ng isang football field,
ngunit ang naitalang pinaka-malawak na crop circle noong August 2009 sa Goes, Holland
sa The Netherlands ay umabot sa 610 meters wide na katumbas ng mahigit sa limang football
fiellds. At uuliting ko lang na maaring ito ay nabuo
sa loob lamang ng 15 minutes. Maraming naitatala ang mga indibidwal na nasa
aktwal na lokasyon ang nakaranas ng pag-malfunction ng kanilang mga gadgets, o kahit man nasa
himpapawid. Kung inyong mapapansin na bihira lamang ang
mga kuhang pictures sa himpapawid na direkta sa mga crop formations, ito ay dahil sa kadahilanang,
nawawalan ng power ang karamihan sa mga gadgets na ito. Ang iba namay nakaranas ng goose bumps o pananayo
ng balahibo sa kanilang mga katawan sa di maipaliwanag na dahilan. Ayon sa pagsusuri ng mga eksperto at siyentipiko,
napag-alaman na napaka-taas ng radiation level at magnetic frequency sa actual na lokasyon. At nang suriin sa laboratoryo ang mga samples
ng lupa at ng mga crops ay kanilang nakita na mayroong magnetic particles ang nakakalat
sa buong lokasyon ng formation. Ano nga ba kaya ang nasa likod ng phenomenon
na ito. At bakit nga ba ito dapat pagtuonan ng pansin
ng lahat sa atin? Maraming ibibigay na palaisipan sa huling
bahagi ng videong ito. At kung gusto mo pang malaman ang maraming
bagay, maari kang mag-subscribe at i-on ang notification bell para sa ating mga bagong
videos. At sa ating huling parte. Ito ay ang Arecibo message. 1974. Isang radio frequency waves ang itinutuon
direkta sa kalawakan gamit ang satellite at nagpapakawala ng mga coded na impormasyon
ng radio waves. Ang Arecibo message ay pinangalan sa Arecibo
radio telescope sa Puerto Rico. Ang pinakamalaking radio telescope na naglalayon
na makakuha ng extra-ordinary na mga radio waves o mga komplikadong waves na kaya lamang
gawin ng mga intelihenteng mga nilalang o mga ET’s o extraterrestrial sa kalawakan. Ang nilalaman ng Arecibo message ay mga impormasyon
patungkol sa ating teknolohiya, ang aktwal na lokasyon natin sa ating galaxy at ng solar
system, ang structure ng ating DNA, at ang antas ng ating kaalam sa siyensa at sa mathematika. Ito ay bin-roadcast o ipinadala sa kalawakan
noon pang 1974.. Tutukang mabuti ang Arecibo message.. At ito naman ang crop formation noong 2001
sa Chilbolton, United Kingdom. Pause.. At ito naman ang katabi na formation hindi
kalayuan. Halos 100 meters lamang sa parehong araw at
oras. May pagkakahalintulad ba sa Arecibo message
na ipinadala gamit ang radio wave frequency noong 1974? Pause… Ang buong mundo ng crop circle enthusiast
kabilang na ang mga scientist, physicist, mathematician at lahat ng mga grupong nananaliksik
sa mga crop formation ay sobrang namangha sa rebelasyong ito ng kung sino man ang gumagawa
ng mga crop circles. Sa crop formation na ito, ideni-code ng mga
mathematician at phycisist ang napapaloob sa desenyo. At ito ang kanilang napag-alaman. Maaring i-pause ang video upang makita ang
nilalaman na impormasyon nitong crop formation. Pause… Ito ay nagpapakita lamang na ang crop formation
ay isang response galing sa kung sinuman. Tinawag ito ng karamihan na “Answers from
the stars” At sinasabi ng mga eksperto na ang imahe na katabi ng mensaheng galing sa
Extraterresterial ay malamang kawangis ng sinaunang tao. O marahil ay ang itsura nila sa kanilang mundo. Ano nga ba ang nararamdaman mo sa ngayon? Sana ay nasiyahan ka sa rebelasyong ito.. Pero teka lang… may idadagdag lamang ako.. At Marahil hindi mo pa rin ito nalalaman.. Iyong pagmasdan. Ito ay isang crop formation na di kalayuan
sa huling crop circle na ating itinampok. Ito ay sa Crabwood, Hampshire, United Kingdom
pagkaraan ng isang taon ng makita ang “Answers from the stars” crop formation. At may nakakapanindig balahibong mensahe galing
mismo sa mga ito.. Dinecode ng mga mathematicians at physicists
ang posibleng mensahe sa disc shape formation na ito at ito ang kanilang nakuhang mensahe
mula sa mga nilalang na ito. “Beware of FALSE gifts & their BROKEN PROMISES. Much PAIN but still time. BELIEVE. There is GOOD out there. We oPpose DECEPTION. COnduit CLOSING” Ano nga ba kaya ang nais iparating ng mensaheng
ito. At ano ba o kanino ba dapat itong lubos na
iparating? Kung ito ay hindi gawa ng mga Extra terrestrial,
Sino nga ba sa mga bansa dito sa mundo ang kayang gumawa ng mga bagay na ito. Maraming salamat sa inyong panonood..

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *